Babae Ka ni: Ani Montano


PANES, ANGELICA B. BSCRIM 2-C


Babae ka


Ni: Ani Montano

Pagtataya

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:



1. Paano inilarawan ang babae sa awit? 

- Inilalarawan ang babae sa awit sa pamamagitan ng pagiging malakas, maging malaya  
at may silbi sa mundo. Ang babae na kayang lumaban at gawin ang mga tungkulin. Biniyayaan hindi ang sa ganda kundi pati sa isip at hangad nito ay maging masaya at malaya.


2.Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

- Sang-ayon ako sa sinabi sa awit noong unang panahon dahil ang mga babae noon ay nasa loob lang ng bahay upang alagaan ang mga anak, magluto ng pagkain para sa kanilang pamilya  at babae ang gumagawa ng gawain sa bahay. Subalit, ngayong panahon ay malaki ang pagkakaiba kung usapang babae. Dahil sa panahon ngayon marami ng  mga babae ang nagtatrabaho para matustusan ag kanyang pamilya at sa ngayon ay may kakayahan silang magtrabaho ng mga gawaing panglalaki. At sa ngayon sila ay malaya at magawa ang kanilang gusto sa buhay na matulungan ang pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa para lamang mabigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.


3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karaapatan at kalayaan.

-Ang isang halimbawa na nagpapatunay na kaya ng mga babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan ay isang pagiging Ina.Ang isang Ina ay siya ang nagdadala ng isang nilalang na iluluwal ditto sa mundo.Isa pang halimbawana nagpapatunayna kaya nilang ipaglaban ang kanilang sarili kagaya ng mga babaeng nagtatrabaho sa ibang bansa, noon ang mga pulis at sundalo ay mga lalaki ngunit sa ngayon maraming babae na ang trabaho ay ganito. Maraming trabaho ng lalaki magagawa ng babe at mas nahihigitan pa ito. Dito napaptunayan nila na kaya nilang ipaglaban ang kanilang sarilina maging malaya dito sa mundo.


4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

- Ang payo ng may-akda ng awit sa babae ay ipagtanggol at ibangon ang kanyang pagkatao bilang isang babae. At harapin ang ano mang pagsubok sa buhay dahil malaki ang tungkulin nito sa mundo. At sa pagiging Ina ng ating bayan sila lang ang may kakayahan na magdala ng isang nilalang na iluwal dito sa mundong ibabaw kay sila ang kalahati ng buhay.


5. Ayon sa awit,bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

-Ayon sa awit hindi nakikita ang halaga ng mga babae dahil ang mga babae noon nasa bahay lamang upang alagaan ang kaniyang pamilya. Kaya hindi nila nakikita ang kanilang halaga at sa paningin ng iba sila ay mahina dahil hindi sila lumalabas. Sa kasalukuyan hindi na umiiral ang ganitong akala, dahil ang mga babae ngayon saan mang sulok ng mundo sila ay malaya at halos mga babae ang nagtatrabaho para maiahon ang pamilya sa kahirapan, naglilingkod sa ating bansaat sa pagiging malakas at pagsisikap. Anumang hirap at pasakit na dinaranas sila ay lumalaban upang makamit ang pangarap sa buhay.


Mungkahing Gawain


1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.













Comments

Popular posts from this blog

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Iskwater Ni Luis G. Asuncion