Iskwater Ni Luis G. Asuncion

                                         Iskwater

                                                           Ni Luis G. Asuncion
                                              Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan




                                
                                                              PAGTATAYA

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

-Ang sentral na paksa ng sanaysay ay tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa iskwater area na kung saan may mga mahihirap at mayayaman na nakatira.

2. Mayroon bang paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.

- Sa aking obserbasyon may paksa na tuwirang tinalakay sa teksto tulad ng may kolehiyala na iba-iba ang kanyang boypren ito ay hindi naaayon sa paksa dahil ang sanaysay na ito ay patungkol sa pamumuhay ng mga tao sa iskwater. 



3. Ano ang layuning may-akda sa pagtatalakay sa paksa? Ipaliwanag

-Ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay sa paksa ay nais niyang ibahagi na sa isang iskwater area ay hindi lang mahihirap ang nakatira ngunit may mga mayayaman din na may mga magagarang sasakyan at mga gamit.Sapagkat ang iskwater ay para lamang sa mga mahihirap na hindi kayang bumili ng sariling lupa na kanilang matitirhan.

4.Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay?Bakit? Ano -ano naman ang mga hindi sinasang-ayunan? Bakit?
 
- Ang aking sinasang-ayunan sa sanaysay ay ang kanilang karapatan na maninirahan lamang sa isang iskwater upang mabigyan lang sila ng magandang pamumuhay at makapag-isip kung ano ang gawin upang makaahon sa hirap. Hindi ako sang-ayon sa gobyerno na idemolos nila ang iskwater na ito dahil wla nmang lilipatan ang mga tao kundi ito ang dahilan na gumawa ng hindi tama ang mga tao. At sa ngayon hindi lng mahihirap ang nakatira dito kundi mayayaman na may kakayahanh makabili ng lupa na matitirhan. 

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

- Nakakaugnay ako sa mga kaisipang nakalahad sa teksto sa pamamagitan ng pagbabasa at  sa aking imahenasyon sa pangyayari. Dahil ako ay ipinanganak sing mahirao at ramdam ko ang kalungkutan sa kanilang sitwasyon sa iskwater area na parang wala nang pag-asa sa buhay ngunit hindi dahilan ang kahirapan sa pagkamit ng ating mga pangarap.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater?

- Mahalaga ang pagtalakay ng sanaysay upang ating malaman at sitwasyon at pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa iskwater. Ito ay para sa mga 
mahihirap na hindi kayang bumili ng sariling lupa upang matitirhan. Subalit ang nangyari lang mahirap ang nakatira kundi pati mayayaman na may mga magagarang sasakyan. Para sakin nagbago ang aking pananaw dahil sa aking pagkaalam puro mahihirap lang ang nakatira pero pati pala mga mayayaman ay nakatira din dito.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

- Base sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan hindi parin nagbago ang takbo ng pamumuhay ng mga nakatira  sa iskwater at umaasa parin sa ating gobyerno. Hindi na makapag-aral kaya ito ang dahilan ng pagdami ng mga kabataang maaga pang na buntis at tumira na lang sa iskwater at umasa na lamang sa gobyerno. Sa panahon ngayon mas lalong mahihirapan ang gobyerno na mabigyan ng tulong ata mga pabahay ang naninirahan sa iskwater dahil sa kakulangan ng pundi ang gobyerno dulot ng pandemya na ating ikinakaharap.
    




                                                       MUNGKAHING GAWIN

1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon









Comments

Popular posts from this blog

Babae Ka ni: Ani Montano

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY