Isang Dipang Langit

 Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

        
                                  I
Ang tulang isang dipang langit ni Amado V. Hernandez ay tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay nabilanggo. Ito ay nagpapahiwatig na magiging matatag sa bawat pagsubok sa buhay, ipaglaban ang karapatan at laging manalig sa diyos.

Ang uri ng tulang ito ay elehiya dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan at naglalarawan ng tunay na nangyayari sa buhay ng sumulat at ito ay naglalahad ng aral.Ang teoryang ginamit ay realismo dahil ito padamdamin at ito siya ay sumusunod sa marangal na batas ng buhay, at ang paglalahad ng tulang ito ay makatotohanan at ito ay isang karanasan ng manunulat sa kanyang pagkabilanggo.

Ang tema/diwa ng tulang ito na inilalarawab ng isang manunulat ay ang karanasan ng mga bilanggo araw-araw at kung paano nila ipinaglalabna ang kanilang karapatan.

"Ngunit yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilmas, mapipiit ay tanda ng di pagsusuko.
Ito ang aking nagustuhan na saknong dahil nangangahulugan ito sa kahit siya ay maganda na sa bilanggnan hindi parin siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang sarili na makalaya kahit na masakit sa puso, natatakot at nahihirapan hindi parin susuko habang may buhay.

                                II

Si Amado V. Hernandez ay kilala bilang isang hinirang na Pambansang Alagad ng sining sa Panitikan noong 1973. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Setyembre 13, 1903 kina Juan Hernandez at Clara  Vera. Si Amado ay isang makata at manunulat sa wikang tagalog.Siya ay kinilala dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong  pampolitika.

                               III
MAIKLING KWENTO NG ISANG DIPANG                                       LANGIT

      Isang araw may isang lalaki na ikinulong dahil siya'y napagbintangan sa kalasanang hindi naman ginawa.Dahil sa mga nakabangga nya sa pakikilahok sa organisasyong politika. Habang nasa bilangguan siya mahigpit rin ang mga guwardiya sa pagbabantay sa kanila.. Halos nawawalan na ng pag-asa ang lalaki dahil iniisip nya na ang kanyang buhay ay para ng patay. Ang ginagawa niya ay sumilip na lamang sa maliit  na butas ng kulungan at kitang - kita nito ang dipang langit. Labis siyang nalungkot at napaluha dahil ang kanyang bayan na pinag-iingatan, pinagsisilbihan ay yaon pa ang nagtaksil at nag-udyok sa kanya sa bilangguan. Ang lalaki ay nagtagal sa bilangguan at siya ay natatakot  dahil ang mga guwardiya ay galit na galit sa pagbabantay sa kanilang kulungan. Ang lalaki ay maghapon at magdamag siyang nagluksa dahil iniisip nya na  ang lungga ng bilangguan ay parang kabaong at para siyang patay na nilalamayan ng mga guwardiya at iba pang nakakulong.

      Pagkalipas ng dalawampung taon siya  ay matanda na sa bilangguan pero hindi paring sumusuko ang lalaki na baka siya ay makalabas at umaasa parin siya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakit at nahihirapan.Dahil naniniwala siya na ang diyos at hindi natutulog.Hindi nagtagal ang lalaki ay nakalaya na at siya'y masaya dahil nakikita niya ang dipang langit ng wala ng luha. Sa pagsikat ng araw ang tagumpay na kanyang hinahangad ay may bagong pag-asa at bagong buhay. Kaya't kahit anumang paghihirap at problema na ating nararanasan sa ating buhay ay huwag tayong susuko at haharapin natin ito huwag at huwag kalimutang nanalangin sa diyos dahil habang may buhay may pag-asa na darating at ito ay ang tagumpay





Comments

Popular posts from this blog

Babae Ka ni: Ani Montano

Iskwater Ni Luis G. Asuncion