SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

                        SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

             

                         Fr. Albert Alejo SJ

                                                 ( Para sa Sektor nating pumapatay ng tao)



                                                                     PAGTATAYA

1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

Sagot:  Ang persona na nagsasalita sa tula ay isang mamamatay tao. Sa tulang ito ang kanyang sinasabi dito ay ang pagpatay ng isang tao ay kagaya rin sa pagpatay ng isang butiki dahil ito ay walang ka laban-laban. Sinasabi nya rin dito na habang siya ay makapatay parang may mga tinig syang naririnig na nagsasabi na bawal ang pumatay.

2. Anong hayop ang pinpaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang ng tao?

Sagot: Ang pinaslang na hayop sa tula ay isang butiki ito ay natutulad sa pagpaslang ng tao dahil ang pagpaslang sa kaniya ay wala syang kalaban- laban at walang kamalay-malay at mas lalo pa itong pinapahirapan hanggang ito ay mamatay. 

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taudtud ng tula?

Sagot: Ang ibig sabihin ng huling talutud ng tula na " Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanonood", ito ay sumasalamin  sa ating panginoong diyos na sya lamang ang makakakita kung ano man ang ating ginagawa dito sa mundong ibabaw na hindi nakikita ng ating kapwa. Sapagkat ang pagpatay  ng tao kung hindi man ikaw nakikita ng iba  ang panginoon lamang ang makakasaksi  sa mga kasalanang iyong ginagawa.

4. Kanino inaalay ng may- akda ang tula? Sino- sino kaya sila?

Sagot: Ang tulang sanayan lang ang pagpatay ay para sa mga sector na pumapatay ng tao na ito ay hindi tama sa mata ng ating panginoong diyos.At lahat tayong mga tao ay may karapatan mamuhay ng payapa dito sa mundo mayaman man o mahirap.
 

                                                    MUNGKAHING GAWIN

1. Magsaliksik tungkol sa particular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.         

                   "OPLAN TOKHANG"

Sa mahabang panahon,pangunahing kanser ng ating lipunan  ang ilegal na droga na hindi lang sumira ng buhay ng isang tao ngunit nagwasak sa maraming pamilya. 
Sa pagpasok ng admi-nistrasyong Duterte, “battle cry” nito ang pagsugpo sa ilegal na droga ng tatlo hanggang anim na buwan. Naka­paloob sa programa ang “Oplan Tokhang” na unang ipinatupad niya sa lungsod ng Davao noong alkalde siya nito. Ipinatupad ang Oplan Tokhang noong Hul­yo 2016. Nakapaloob sa programa ang pagtukoy ng mga opisyal ng barangay sa mga hinihinalang drug personalities sa kanilang nasasakupan. 

Iginiit naman ng PNP na walang namatay sa aktuwal na “Tokhang” o pagkatok sa mga bahay ngunit ang mga napapaslang ay resulta ng hiwalay na ‘anti-drug operations’. Giit naman ng kaanak ng mga biktima, kapag kinatok ang isang drug suspek sa ilalim ng Tokhang, malaki ang posibilidad na ito ang susunod na mapapaslang.Ayon sa iba’t ibang gru­pong tumutuligsa sa Oplan Tokhang, higit sa 7,000 katao ang napaslang kabilang ang mga nakatok.Sa kabila ng mga batikos, pagkakaiba ng paniniwala, at pagkontra sa pamamaraan, patuloy namang sinusuportahan ng maraming Pilipino ang pagsugpo sa iligal na droga at pagpapanumbalik ng katiwasayan sa bansa.

4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't-ibang isyu ukol sa karapatang pantao.

                      KARAPATANG PANTAO

Ang pagkilala sa karapatang pantao
Ay pagkilala rin sa karapatan ng ibang tao
Dito makakamit ang kapayapaan ng bawat isa
Kung lahat ay kumikilala sa karapatan ng iba.

Tayong mga tao ay may karapatan
Noong tayong isinilang, isinilang din ang ating karapatan.
Na malayang mabuhay
Dahil lahat tayo ay pantay-pantay

Mahirap man o mayaman
Tayo ay may karapatang mabuhay
Malayang makapagsalita, upang ipagtanggol ang karapatan
Hangad mo'y kalayaan at kapayapaan ay makakamtan.

5. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.

-Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan dahil ang panitikan ay isang gabay sa kasalukuyang realidad ng ating lipunan. Dahil ditto ating mataguyod ang wikang filipino dahil ito ay kaugnay sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mamamayang Pilipino.

 





Comments

Popular posts from this blog

Babae Ka ni: Ani Montano

Iskwater Ni Luis G. Asuncion